Wednesday, March 10, 2010

spiral ME and I

titingin sa kaliwa. titingin sa harap, titingin sa kanan. ang tanong ng guro, sino ang sasama sa pagpunta sa showtime? sunod na tanong, taas ang kamay na pwede kahit hindi wednesday? titingin ulit sa kanan, titingin ulit kaliwa, likod, harap. lahat nagtaas ng kamay..

sige na nga, magtataas na rin ng kamay. kahit hindi ako pwede sa ibang araw.

nanay: bakit ka nagtaas ng kamay e hindi ka pwede sa araw na yun?

sagot: kasi po, lahat ng classmate ko pwede sa ibang araw ako lang hindi.

nanay: e sana hindi ka na nagtaas ng kamay

sagot. e, ayoko naman nag pa vip ako


iikot ulit ang tingin sa paligid.

bakit mo ginawa yun?

sagot : kasi po, yun yung sabi nila.


ang pangkahalataan ang nagdidikta satin kung anong dapat gawin. sila din ang nagsasabi kung ano ang tama. minsan pag dumadaan ako sa ganitong situwasyon ang iniisip ko lang ay

bakit, kayo ba ang sasama? di ba ako?
bakit, ikaw ba ang mahihirapan? di ba ako?

pero, ang nangyayari, sila pa din ang nasasaunod :D

dahil kasi, ayoko pa vip :D

No comments:

Post a Comment