Sunday, December 6, 2009

teorya

Ang Advertising ay isa sa mga pinakamadugong uri o ways of communication lalo na yung process of doing it. I took my advertising on my early years in college (other school). At ang pag-pasa pa lang ng isang idea o concept madugo na,lalo na yung idea na ilang araw mong hindi tinulugan. You have to come up with an idea na nakakapag- disseminate ng information and persuade your audience all at the same time. sempre yung persuade audience depende yun kung ano ang status sa buhay ng target audience mo. Kailangan pang pag-aralan kung saan at kailan dapt ito marinig. yun pa lang duguan na. ganyan kaimportante ang isang ad. Sabi sa BC class ko dito bumabawi ang network o ang producer sa mga nagastos nila sa taping days at tska sa staff nila. pero, gaano nga ba kahirap kumuha ng audience para tangkilikin ang isang programa o isang ad o kung ano pa man ang dapat tangkilikin?

Mahirap, oo lalo na kung ang tao mismo ang kailangan paniwalaan. Minsan kasi may mga taong pinipili kung saan o ano ang paniniwalaan nila. dito pumapasok ang isang teorya ng mass communication. Uses and Gratification Theory. May free will tayo to decide paano gagamitin ang media at paano tayo maaapektuhan nito.

Madami ng naglalabasan kung sa T.V, anjan yung information, enterntainment at kung ano-ano pa. Kaya ilang sa mg tao ay inaabangan ang paboritong teleserye. laging nakatutok sa dram sa radyo. laging nakabantay sa orasan dahil balita na. Halos lahat na ng bahay ngayon may telebisyon na, na kung dati ay batayan sa antas ng pamumuhay. Ngayon, nakikigulo na ang lahat sa inaabangan Darna o Lovers in Paris. Sa matinding pag boto sa kanilang paboritong housemate para maligtas. May isang nakapagsabi "hindi kumpleto araw ko pag di ako nakakanuod ng Marimar". Ang pagihging Depende ng tao sa Media sa pang-araw araw ng bagain sa buhay. Ano pa nga ba hahanapin mo e andun na ang lahat? Pati ang 10 minutes guide sa pagluto meron na. May isang eksena sa Citizen KAne na kung saan ay may inaannounce si Kane sa madla. nagpanic ang mga tao. kaso, di nila ito pinatapos, dahil isa lang pala itopng ad. (Media Dependency Theory)

Napakalawak ang sakop ng media, dahil sa mga balita nakukuha natin ang bawat impormasyon. Katulad na lamang nung pagbebenta ng Christmas Lights na walang NTC stickers, pati yung stickers ginagaya na.Diffusion of Innovation Theory. "We havr no choice to what we are exposed to". Parang shot gun marriage lang e. wala kang choice kundi pakasalan kahit hindi mo pa nakikita :D

Napaka-makapangyarihan ng media. nagbibigay tio ng "direct, immediate at powerful effect on the audience". Napakahusay ng tao, sa paglawak ng population anjan din ang mga inbensyon na siyang nagtataas ng teknolohiya. lumabas ang pag dami ng radyo at TV, ang paglawak ng iba't ibang klasi ng propaganda at ads. Dito lumalaki ang sakop ng media (Magic Bullet /Hypodemic Needle Theory)

Sa pagkakaroon ng direct at powerful effect on the audience, nagkakaroon din naman ito ng limited effect. "people seek out and remember information that provides cognitive support for their pre-existing attitudes and belief". In short, pang sariling kagustuhan. Parang pumunta ka sa isang party madamin kang nakilala pero, ang naalala mo lang yung pangalan ng taong nakit mong maganda/gwapo yun kasi yung nakapansin sayo :D o pwede din yung nag-internet ka sa isang shop dahil sakto pera mo nagreseach ka na lang g assign mo para di mapagalitan :D
(Re-inforcement Theory)

Kahit ano man ang sabihin, iba-iba parin ang klasi ng tao. Sila na mismo ang mamimili kung ano ang paniniwalaan o pakikingagan, susubaybayan gagawin sa mga teknolohiyang na halos nasa kamay na nila. Kailangan lang natin to gagamitin para sa pang sariling kabutihan kundi sa kapakanan na rin ng nakakarami. Ikaw, magpapa-apekto ka ba sa nakikita o naririnig mo?
mailto:brianbantugan@gmail.com

No comments:

Post a Comment